Paano pigilan ang ibang tao sa pag-edit ng iyong mga PDF file?

Alamin kung paano siguraduhin ang seguridad ng iyong mga PDF online sa pamamagitan ng paglalagay ng password at pag-e-encrypt nito.

Madalas tayong nagpapadala at nagbabahagi ng mga PDF, pero naisip mo na ba kung gaano nga ba talaga kasigurado ang iyong mga PDF file? At alam mo ba na maaari mong lagyan ng password ang isang PDF? Ang hindi gaanong nagagamit na feature na ito ay kapaki-pakinabang kapag kailangan mong, halimbawa, magpadala ng importanteng email o pumirma ng mahalagang form.

Sa ilang pag-click lang, maaari mong pigilan ang iba sa pag-edit ng data, o magtakda ng mga permission sa file para limitahan ang mga gawain gaya ng pag-print at pagkopya.

Alamin kung bakit mainam na protektahan ang iyong mga dokumento, at paano lagyan ng password ang isang PDF file at pigilan itong ma-modify.

Bakit kailangan protektahan ang mga PDF file?

Palaging may pangangailangan na protektahan ang sensitibong data, at pati na rin ang mga dokumentong naglalaman nito. Sa digital na panahon ngayon, inaasahan na kaya nating protektahan ang ating mga digital na dokumento laban sa hindi awtorisadong pag-access at hindi wastong paggamit. Para sa maraming tao at lalo na sa mga negosyo, ang mga dokumento ay mahalagang pinagkukunan. Naglalaman ang mga ito ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga proyekto, plano, ulat, kontrata, at iba pa. Ang ilang dokumento ay kumakatawan sa intellectual property at nangangailangan ng mas mataas na antas ng proteksyon at kontrol sa pag-access sa dokumento, gayundin sa paghawak sa nilalaman nito.

Iyan ang dahilan kung bakit mahalagang lagyan ng password ang PDF laban sa hindi awtorisadong paggamit, pati na rin sa pagtagas ng data mula sa sensitibong mga dokumento o pagbabanta sa pagiging kumpidensyal at integridad ng data sa dokumento.

Encryption ay isang mahusay na paraan para pigilan ang hindi awtorisadong tao na makita ang nilalaman ng iyong kumpidensyal na PDF file. Ang paglimita ng access sa isang partikular na bilang ng mga user ay isa lamang sa mga paraan ng pagprotekta sa dokumento.

Paano gumagana ang password protection?

Seguridad sa password

Ang nagpoprotekta sa isang dokumento ay ang encryption. Tinitiyak nito na tanging ang mga binigyan mo ng password ang magkakaroon ng access sa nilalaman ng iyong file. Ang mas lumang bersyon ng PDF standard ay nagpapahintulot ng encryption gamit ang 128-bit RC4, samantalang sa mas bagong mga bersyon ay ginagamit namin ang 128 at 256-bit AES encryption.

Ang matibay na encryption algorithm na pinagsama sa malakas na password ay pipigil sa hindi awtorisadong pag-access sa file at mapoprotektahan ang iyong data. Gumawa lang ng open password at ang aming PDF protection tool na ang bahala sa iba.

Pagprotekta sa ilang elemento ng dokumento

Kung nais mong ibahagi ang PDF file nang publiko pero gusto mong pigilan ang iba sa paggawa ng mga hindi kanais-nais na aksyon sa iyong dokumento, maaari ka ring magproteka ng partikular na mga elemento ng dokumento.

Sa pamamagitan ng aming libreng online tool, maaari mong protektahan ang PDF document laban sa:

  • Pagpi-print ng nilalaman,
  • Pagkopya ng nilalaman,
  • Pagmo-modify ng nilalaman.

May dalawang uri ng password na maaaring ilapat sa isang PDF file:

  • Open Password
  • Permission Password

Ang isang open password ay nagbibigay-daan sa iyo na pigilan ang hindi awtorisadong pag-access sa file. Sa pamamagitan ng paglalagay ng password sa iyong PDF file, hindi mabubuksan o maa-access ng hindi awtorisadong mga user ang iyong PDF.

Permission password ay maaaring gamitin para limitahan ang functionality ng PDF. Pinoprotektahan nito ang PDF at, sa parehong oras, pinipigilan ang mga tao na mag-print, magkopya, o mag-modify nito. Sa ibang salita, ang user na may open password ay makakakita ng file, ngunit hindi niya ito mae-edit kung wala siyang permission password.

Bilang opsyonal na setting, maaari mong piliin ang "Rasterize" na opsyon upang pigilan ang iba sa pag-edit ng dokumento o paglalantad ng mga posibleng nakatagong bahagi, dahil ang lahat ng nilalaman ay pagsasamahin sa isang hindi nase-search na layer.

TIP:

  • Kung lilimitahan mo ang usage rights at magtatakda lamang ng permission password, may ilang programa na maaaring hindi sundin ang mga limitasyong ito. Inirerekomenda namin na pumili ka ng open password para i-encrypt at dagdagan ang seguridad ng iyong PDF.
  • Tandaan na kung wala ang tamang password, hindi mo mabubuksan, mae-edit, o matatanggal ang proteksyon mula sa sarili mong PDF. Siguraduhing hindi mo ito makakalimutan!

Paano lagyan ng password ang isang PDF

Ang mga file na ibinabahagi, iniimbak, o ipinapadala sa Internet ay laging may panganib. Kapag itinuring mong kumpidensyal ang nilalaman ng isang PDF, ang susunod na hakbang ay dapat laging protektahan ang iyong dokumento sa pamamagitan ng paglalagay ng password at pag-e-encrypt nito. Ang mga online tool tulad ng PDF2Go's - Protect PDF, ay nag-aalok sa iyo ng libreng solusyon sa problemang ito! Magbibigay ito ng maaasahang password protection para sa iyong mga PDF file.

Gumawa nang madali ng password-protected na PDF sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang:

  1. Pumunta sa aming Protect PDF tool at i-upload ang iyong PDF file.
  2. Ilagay at ulitin ang isang open password.
  3. Pumili kung ano ang hindi dapat magawa ng mga gumagamit sa PDF mo (limitahan ang mga aksyon sa PDF sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-print, pagkopya, o pagbabago ng dokumento).
  4. Ilagay at ulitin ang permission password.
  5. I-click ang "Start".
  6. I-download ang bago mong password-protected na file!

Paano mag-alis ng password protection online?

Kung wala kang naka-install na programa para mag-alis ng mga password mula sa mga PDF document, PDF2Go’s - PDF Unlocker ay isang mahusay na online tool na maaari mong gamitin para madaling alisin ang password protection mula sa isang PDF file. Maaari lang naming i-unlock ang PDF mo kung alam mo na ang password.

Simple lang,

  1. Pumunta sa pdf2go.com at gamitin ang aming I-unlock ang PDF na tool.
  2. I-upload ang naka-protect na PDF at ilagay ang password na gamit nito.
  3. Ang kailangan mo na lang gawin pagkatapos ay i-click ang “Set Password”. Aalisin nito ang password sa PDF mo.

Magagawa ko pa bang i-edit ang PDF?

Matapos mong ma-unlock at maalis ang password ng PDF mo, magagawa mong i-edit ang content o mag-extract ng mga larawan mula sa hindi na protektadong PDF file nang walang limitasyon. Para gawin ito, kailangan mo lang i-convert ang PDF file sa isa sa mga editable na format ( Word, Excel, PowerPoint ). Pagkatapos mong mag-edit, gamit ang aming PDF converter, maaari mong i-convert ulit ito pabalik sa PDF.