Ayusin ang PDF File Online
Gamitin ito kahit saan nang libre
Pag-ayos ng PDF File
Libre ang pag-ayos ng PDF dito sa PDF2Go. May ilang dahilan kung bakit hindi ma‑open o ma‑view ang PDF mo, kahit anong program o browser ang gamitin mo. Nahanap namin ang paraan para ayusin ang PDF file mo para sa ilan sa mga isyung ito.
Napakadaling gamitin ng PDF repair toolbox na ito. I-upload lang ang PDF file mo (suportado rin ang cloud storage) at hayaan mo kaming gawin ang iba. Pagkatapos, i-download lang ang naayos mong PDF document.
Ayusin ang PDF Online
Ang paggamit ng PDF2Go para mag-edit at mag-convert ng PDF files ay makakatipid sa oras at pagod mo. Sa amin, makakakapag-ayos ka ng PDFs online. Walang kailangang i-install, gamitin lang sa browser mo.
May ilang benepisyo sa paggamit ng online na PDF suite. Nakatitipid ito ng space sa hard drive o telepono mo na kung hindi ay mauukupa ng program o app. Mas ligtas ka rin sa malware at virus dahil wala kang kailangan i-install na posibleng may infection. Ang ida-download mo lang dito ay ang naayos mong PDF file.
Para sa Sira o Corrupt na PDF Files
Bakit mo kailangang ayusin ang mga PDF file?
Minsan, kapag nagpapadala ng PDF files, nililipat ang mga ito sa ibang system o computer, o kinukuha mula sa luma na hard drive, maaaring ma-corrupt ang PDF file mo. Posible ring nasira ang PDF habang ginagawa ito.
Ngayon, may ilan sa mga isyung pumipigil sa pag-open ng PDF file mo na pwedeng ayusin. Subukan mo, libre ito.
Ligtas ang Pag-ayos ng PDF Mo
Kapag nag-aayos ka ng PDF file, gusto mong siguraduhin na ligtas ito. Sa PDF2Go, mapapanatag ka sa mahigpit naming safety measures.
Ang mga file sa aming servers ay regular na dine-delete. Protektado ang aming mga server. Mananatiling iyo ang PDF document mo sa lahat ng oras. Wala kaming kinukuha na anumang karapatan at hindi namin mano-manong tinitingnan ang mga dokumento mo. Sa PDF2Go, protektado ka pati ang mga file mo.
Pag-save ng Adobe PDF Files
Sa PDF2Go, dalubhasa kami sa pag-convert at pag-edit ng PDF files. Kaya kung susubukan mong ayusin ang ibang uri ng dokumento, iko-convert muna namin ito sa PDF at saka namin paandarin ang pag-ayos. Ang file na makukuha mo pabalik ay laging PDF document.
Ano ang maaari kong ayusin?Adobe PDF
Online na Pag-ayos Para sa PDFs
Ang PDF repair namin ay tumatakbo online para magamit mo ang toolbox namin saan ka man naroon.
Hindi ka limitado sa lokasyon. Mag-ayos ng PDF files sa tren o eroplano, habang bakasyon, mula sa bahay o opisina, at saanman may internet connection. Hindi ka rin limitado sa device. Gamitin ang tablets, smartphones, o desktop computers.