I-convert ang Word sa PDF Online
Libre, saan ka man naroroon
Ang Pinakamainam na Word To PDF Converter
Ang paggamit ng PDF2Go para i-convert ang Word document mo sa PDF ay mabilis, madali, at instant. Kailangan mo lang ng matatag na internet connection at ang file mo.
I-upload ang Word document mo sa pamamagitan ng drag and drop, pag-browse, mula sa cloud storage, o sa paglalagay ng link. Pagkatapos, i-click ang "Save Changes" at maghintay hanggang ma-convert namin ang file mo.
Pagkatapos, maaari mong i-download, i-save, o i-edit pa ang PDF mo.
I-convert ang Word Sa PDF Online
Ang pag-install ng programa sa computer mo ay may kasamang mga panganib. Naghihintay lang ang malware at virus ng pagkakataon. Kahit na mukhang mas ligtas ang mobile apps, madalas silang may nakakainis na ads o kahina-hinalang access sa phone mo.
Iyan ang dahilan kung bakit hinahayaan ka ng PDF2Go na mag-convert online. Walang virus, walang installation. Kailangan mo lang ng internet connection.
Bakit Dapat Akong Mag-convert?
Maraming bentaha ang PDF document format. Nananatili ang formatting at pareho ang hitsura kapag nag-print ka o nag-share sa iba. Mataas ang compatibility nito at may mga reader para sa lahat ng computer system, phone, at kahit e-book reader.
Samantalahin ang mga ito at marami pang ibang benepisyo gamit ang maaasahang PDF converter tulad ng PDF2Go.
Ang Ligtas na PDF Converter
Mas ligtas na ngayon ang pag-upload ng Word document mo para i-convert ito sa PDF. Tinitiyak naming protektado ang file mo sa bawat hakbang. At hindi namin kinukuha ang anumang karapatan sa file mo; nananatiling sa iyo ito at sa iyo lang.
Makakakita ka ng higit pang impormasyon sa aming Privacy Policy.
Ano ang Maaari Kong I-convert?
Dalubhasa kami sa pag-convert ng Word sa PDF. Ngunit hindi lang ito ang kaya naming gawin. Bukod sa DOC at DOCX, maaari kang mag-convert ng iba pang text documents, presentations, at maging mga larawan.
Halimbawa:ODT, RTF, TXT, Microsoft PowerPoint PPT, JPG, PNG, GIF, at iba pa
Mag-convert sa PDF online
Hindi ka nakatali sa computer mo. Ang PDF2Go ay isang online PDF converter. Ibig sabihin, magagamit mo ang serbisyo mula sa anumang computer, sa trabaho o sa bahay, at kahit habang nagbabakasyon.
Gumagana rin ang PDF2Go sa tablets at smartphones.