I-convert ang Excel sa PDF Online
Libre, saan ka man naroroon
I-convert ang Excel sa PDF
Gawing PDF document ang anumang Excel spreadsheet file na mayroon ka. Mabilis, online, madali at ganap na libre.
Kailangan mo lang i-upload ang iyong file (sinusuportahan din namin ang cloud storage) at kami na ang bahala sa mabigat na trabaho. Ilang sandali lang, depende sa laki ng iyong file, iko-convert na ito ng PDF2Go sa PDF.
Online PDF Conversion
Walang kailangang i-download o i-install! Ang PDF2Go ay isang online service at hindi nangangailangan ng anumang installation. Sa ganitong paraan, ligtas ka sa malware at hindi mauubusan ng storage sa iyong hard drive o telepono.
Kailangan mo lang ng internet connection at maaari ka nang magsimulang mag-convert mula Excel patungong PDF.
Bakit Pumili ng PDF?
Maraming bentahe ang PDF documents kumpara sa Excel sheets. Pinapanatili nila ang formatting ng iyong mga talahanayan at maaaring buksan ng mga taong walang naka-install na Excel sa kanilang computer. Na-optimize din ang mga ito para sa pag-print at mas madaling maibahagi online.
Maaari mong magamit ang mga ito at marami pang ibang benepisyo kapag nagko-convert mula Excel patungong PDF.
Manatiling Ligtas - Palagi
Regular na pagbura ng mga file, secure na servers, walang manual checking, at walang pagbabahagi ng impormasyon sa mga third party ang ilan lamang sa mga paraan kung paano pinapanatiling ligtas ng PDF2Go ang iyong mga dokumento.
Nananatili sa iyo ang lahat ng karapatan sa lahat ng oras at hindi kailanman aangkinin ng PDF2Go ang anumang karapatan sa iyong Excel file o na-convert na PDF.
I-convert ang Anumang Spreadsheet
Minsan, mas angkop o mas versatile na dokumento ang PDF. Kaya nag-aalok kami ng libreng conversion tool para sa Microsoft Excel files. Ang mga sumusunod na file ay maaaring i-convert sa PDF.
Spreadsheets:Microsoft Excel XLS at XLSX
Mag-convert sa PDF online
Bakit pipili ng hindi flexible na programa kung maaari ka namang magtrabaho online?
Totoo ang PDF2Go sa pangalan nito: mag-convert sa PDF habang on the go, sa bahay, sa trabaho, o saan ka man naroon. Anumang tablet, desktop computer, o smartphone ay maaaring gamitin para ma-access ang online PDF converter na ito.