Maaaring naka-encounter ka na ng mga sitwasyon kung saan kailangan mong i-redact o alisin ang sensitibong impormasyon mula sa mga PDF. Kung ang mga file mo man ay naglalaman ng personal na impormasyon o may kinalaman sa negosyo, kailangang i-redact ang mga ito bago maisapubliko.
Kung ayaw mong magpamudmod ng mga dokumentong naglalaman ng sensitibong impormasyon, dito sa PDF2Go mayroon kaming simpleng paraan para matulungan ka! Sa artikulong ito, alamin kung paano mag-redact ng PDF at kung paano alisin ang sensitibong nilalaman at pribadong impormasyon mula sa iyong mga PDF document.
Ano ang PDF redaction?
Sa mga electronic na dokumento, ang redaction ay tumutukoy sa permanenteng pag-alis ng partikular na impormasyon. Depende sa paraan ng redaction, maaaring magmukhang naka-block o nakatago ang impormasyon sa dokumento, ngunit maaari pa ring ma-access ang nakapailalim na protektadong impormasyon. Kaya mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng simpleng pag-blur o pag-black out (highlighting - pagbabago ng background color ng text) at tamang pag-redact ng dokumento (kompletong pag-alis ng content).
Ang blacking out tool ay karaniwang ginagamit para alisin ang sensitibong impormasyon sa mga PDF. Gayunman, kahit mukhang na-redact na ang dokumento gamit ang paraang ito, tandaan na nananatili pa rin ang text sa dokumento. Ang pag-drawing ng mga itim na kahon sa ibabaw ng text gamit ang PDF annotation tools ay nagtatakip lamang ng impormasyon at hindi talaga ito binubura.
Inirerekomenda ang ganitong uri ng redaction kung gagamitin mo ang dokumento at kailangan mo ng basic na proteksyon sa iyong personal na data. Halimbawa, para sa isang presentasyon kung saan nais mong itago ang ilang sensitibong nilalaman.
Bakit mahalaga ang pagre-redact ng mga PDF?
Sa nakalipas na labinlimang taon, ang pagtaas ng paghahanap para sa terminong "redact" ay malinaw na nagpapakita ng malaking pagdami ng pangangailangang protektahan ang impormasyon. Data protection at privacy ay mahalagang mga isyu para sa sinumang indibidwal at anumang negosyo ngayon. Ang mga magiging kahihinatnan kapag hindi tama ang pag-edit sa dokumentasyon ay maaaring maging seryoso.
Ginagawang mahalagang serbisyo ang PDF redaction dahil maraming kumpanya ang kailangang sumunod sa mga rekisito sa public records. Pinapayagan ka ng redaction na protektahan ang mahahalagang impormasyong ibinabahagi sa iyo, pati na rin ang data ng customer, trade secrets ng kumpanya, data ng empleyado, at iba pa. Ang mahihigpit na regulasyon sa data protection ay nagtutulak ng paglago sa data redaction. Lalong lalago pa ang pangangailangan para sa serbisyong ito sa hinaharap.
Kung kailangan mo pa ng mas mataas na seguridad...
...at kakayahang mas maprotektahan ang iyong impormasyon sa loob ng isang PDF file, nag-aalok kami ng isang simple at mabilis na solusyon! Ang aming libreng online PDF Edit tool ay napaka-kapaki-pakinabang kapag kailangan mong takpan ang mga tirahan, numero ng telepono, password, o iba pang uri ng pribadong impormasyon sa mga PDF document.
Piliin ang opsyong Advanced Security bago i-save ang na-redact mong text, at pigilan ang iba na i-edit ang dokumento o magbunyag ng mga posibleng nakatagong bahagi. Mananatiling nakatago ang na-redact mong impormasyon at hindi na mae-edit ang natitirang bahagi ng dokumento. Tatanggalin ng opsyonal na setting na ito ang lahat ng bakas ng content na iyong binlack out.
Paano mo mare-redact ang content sa mga PDF online?
Pagre-redact ng PDF gamit ang Blacking out method
I-blackout ang anumang impormasyon sa pamamagitan ng pagguhit ng opaque na mga bahagi sa partikular na content ng pahina. Maaari mong ilapat ang ganitong uri ng redaction sa anumang bahagi ng dokumento kasama ang text, larawan, at graphics. Tanging ang mga lugar na iyong pipiliin ang mare-redact.
Paano mag-Black Out ng content sa PDF file:
- Buksan ang aming online na Edit PDF tool at i-upload ang iyong PDF.
- Pumili ng highlight tool mula sa menu sa itaas ng preview.
- Sa pamamagitan ng pagbukas ng "Options menu" sa kaliwa, pumili ng laki ng stroke at background color (itakda ito sa itim).
- Piliin ang mga seksyong gusto mong i-redact.
- I-click ang "Save as", pumili ng file name, at kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-click sa "Save" button.
- I-download ang bago mong na-redact na PDF!
OPTIONAL SETTINGS: Gaya ng nabanggit, bago i-save ang bago mong na-redact na dokumento at para sa mas mataas na seguridad, maaari mong piliin ang opsyong Advanced Security. Pipigilan nito ang iba na i-edit ang dokumento o magbunyag ng mga posibleng nakatagong bahagi, dahil ang lahat ng content ay pagsasamahin sa isang hindi-nase-search na layer.
TIPS:
- Hindi masi-save ang mga redaction sa PDF document hangga't hindi mo sine-save ang PDF file. Kung nakapag-apply ka ng redaction na hindi mo gusto, maaari mo itong i-undo o isara ang PDF Editor nang hindi sine-save.
- Kapag sine-save mo ang PDF file na may redactions, inirerekomendang gumamit ng ibang file name at ipahiwatig na may redactions ang dokumento.
- Hindi mo maaaring i-undo ang redaction gamit lang ang isang regular na PDF reader. Siguraduhing mayroon kang kopya ng orihinal na dokumento. Kapag na-redact na gamit ang aming espesyal na Advanced Security option, hindi na mababawi ang impormasyon.
Pag-alis ng impormasyon mula sa PDF gamit ang Whiteout tool
Gamit ang aming libreng online Edit PDF tool, maaari mo ring alisin ang sensitibong impormasyon. Gamitin lamang ang whiteout feature para alisin ang content at palitan ito ng puting background.
Paano alisin ang sensitibong content mula sa PDF:
- Buksan ang aming online na Edit PDF tool at i-upload ang iyong PDF.
- Pumili ng whiteout tool mula sa menu sa itaas ng preview.
- Piliin lang ang mga lugar sa dokumento na gusto mong alisin (text, larawan, graphics).
- I-click ang Save as at pagkatapos ay ang Save button.
- I-download ang bago mong nalikhang PDF!
TIP: Para sa mas mataas na seguridad, tulad sa naunang halimbawa, maaari kang pumili ng opsyonal na setting: Advanced Security, upang masiguro na hindi maa-access ng publiko ang na-redact mong impormasyon.
Maaari ko pa bang gawing editable ang PDF ko?
Oo, maaari pa!
Palagi kang may opsyon na i-convert ang na-redact mong PDF sa isang editable na Microsoft format (Word, PowerPoint, Excel). Nasa iyong serbisyo ang aming online PDF converter! Sa tulong ng Optical Character Recognition (OCR), ang iyong "image" na dokumento ay iko-convert sa text na maaaring i-edit, habang mananatiling hindi ma-access ang dati mong na-redact na text. Kaya kapag kino-convert ang PDF sa isang editable na Microsoft format, huwag kalimutang piliin ang OCR option! Pagkatapos, maaari mo itong i-save muli sa PDF format.