Ano ang PDF optimization process at paano ito kapaki-pakinabang sa iyo?

Sa mabilis na takbo ng mundo ngayon, inaasahan ng mga gumagamit ng internet ang pagiging maagap at mabilis na serbisyo. Inaasahan din nila ang agarang pag-view at accessibility ng mga dokumento. Kung gusto mong magbahagi, magpakita, o mag-stream ng iyong mga PDF file sa web, dapat mong malaman ang isang bagay. Maraming PDF na ginagamit sa mga website ang dinisenyo para sa mataas na kalidad na pag-print, ngunit kadalasan ay hindi sila na-o-optimize para sa Web-viewing.

Ang malalaking PDF ay may disbentaheng matagal bago mag-load bago maipakita. Ngunit na-optimize na PDF (i.e. linearized PDF) na kayang maipakita agad kahit hindi pa kumpleto, ay nakatutulong para mabawasan ang kahirapang ito.

Interesado ka bang malaman - May paraan ba talaga para gawing nakikita at madaling ma-access sa web ang iyong PDF content? Alamin sa ibaba.

Ano ang PDF optimization?

PDF optimization ay madalas na hindi nabibigyang pansin kapag gumagawa ng mga PDF file para sa Web. Kapag pinag-uusapan natin ito, ang tinutukoy natin ay "PDF linearization" na kilala rin bilang "Fast Web View". Lahat ng terminong ito ay naglalarawan ng proseso ng pag-aayos ng isang PDF file upang mas madali itong mabasa sa isang browser.

Ang layunin ng pag-o-optimize ng PDF ay payagan ang isang parang streaming na pag-uugali sa Web. Maaaring makipag-interact ang user sa unang ipinakitang pahina, magsimulang magbasa at gumamit nito online, habang dina-download pa ang natitirang bahagi ng PDF document.

Bakit ko dapat i-optimize ang isang PDF para sa paggamit sa Web?

Gaya ng naipaliwanag, ang isang PDF na na-optimize para sa web-viewing ay inihahanda ang estruktura sa paraang mas mabilis itong maipapakita kapag binuksan sa Internet. Hindi kailangang ma-download nang buo ang file bago ito maipakita.

Kapag naglalathala ng mga PDF document sa Internet, palagi nating inuuna ang karanasan ng user at talagang may epekto ang na-optimize na PDF. Mas dynamic na nai-load ang mga elemento sa loob ng PDF. Ang pag-o-optimize ng mga PDF file para sa Web ay maaaring makapag-compress nang malaki sa laki ng mga ito, magpabilis sa bilis ng pagpapakita at gawing mas maginhawa ito para sa user.

Dahil mas marami nang content ang kinokonsumo sa mga mobile device, hindi na optimal ang karaniwang paraan na i-download muna bago tingnan. Gayundin, kapag gumagamit ng mga mobile browser, pinapahusay ng web-optimized na PDF ang reliability lalo na kung limitado ang memory.

Ano ang pagkakaiba ng regular at web-optimized na PDF?

Kaya, bakit nga ba mas mabilis maipakita sa Web ang mga na-optimize na PDF file kaysa sa mga normal na PDF file? Dahil lahat ng datos na kailangan para maipakita ang unang pahina ay maaaring ma-load muna. Nagiging posible ito sa pamamagitan ng isang espesyal na pag-aayos ng mismong PDF file.

Ang regular na PDF file ay pangunahing binubuo ng isang set ng mga object at kapag binabasa ang file sa web, ina-access ito bilang isang stream ng bytes. Nasa dulo ng file ang lahat ng impormasyon ng file (mga reference sa mga stream na ito). Kaya kapag binuksan ang file sa internet, hindi mababasa ang impormasyon hangga't hindi pa lubusang nai-download ang buong PDF file. Kung malalaking file na maraming pahina ang ating ginagamit, maaari itong magdulot ng abala.

Di tulad ng regular, kung mayroon tayong na-optimize na PDF, lumilikha ito ng isang partikular na “linear” na estruktura ng datos sa simula ng dokumento. Naglalaman ang mga datos ng mga reference para sa unang pahina at para sa iba pang mga object sa dokumento. Bilang resulta, kapag binuksan ang dokumento sa web, agad na maipapakita ang unang pahina kahit dina-download pa ang iba pang mga pahina. Kung pupunta ang user sa ibang pahina, maaari ring ma-download at maipakita ang pahinang iyon nang hiwalay sa ibang mga pahina.

Kailan gagamit ng mga na-optimize na dokumento?

Hindi kailangan ang pag-o-optimize ng mga PDF file para sa lokal na access at paggamit na hindi sa browser. Ganito rin sa pag-o-optimize ng single-page na PDF, maliit ang laki, o text-based na multi-page na PDF. Bukod pa rito, hindi rin kailangan ang linearization kapag gumagawa ng mga PDF file para sa pangmatagalang pag-archive (mga PDF/A file), dahil kinakailangang balewalain ng mga viewer ang linearization information para sa ganitong uri ng dokumento.

Sa konklusyon - ang proseso ng pag-o-optimize ng PDF para sa paggamit sa Web ay pinakamainam para sa malalaki at multi-paged na PDF document (na nakalaan para tingnan sa web o network). Kaya, tuwing magdi-distribute ka ng malaking PDF document online, dapat mo munang i-optimize ang PDF.

Paano gumawa ng na-optimize na PDF para sa madaling web-viewing?

Ang pag-o-optimize ng mga PDF file para sa mabilis na web view ay hindi kasing hirap ng iniisip mo. Isa sa pinakamainam na paraan para i-optimize ang isang PDF para sa iyong website ay ang paggamit ng libreng online tool ng PDF2Go. Makakatulong itong alisin ang mga hindi kinakailangang object at i-compress ang mga PDF file na naglalaman ng mga larawan. Napakasimple ng prosesong ito at aabutin lamang ng ilang minuto.

Ang kailangan mo lang gawin ay: Pumunta sa PDF2Go's - Fast Web View optimization tool page. I-upload ang dokumento at i-click ang "Start" para simulan ang pag-o-optimize ng PDF. At sa ganoong kasimple, handa na ang iyong PDF para sa web-viewing!