PDF2Go Desktop App para sa Windows

Gamitin ang aming Desktop App at tapusin ang iyong trabaho nang ligtas at lubusang offline.

Mas pinadadali ng PDF2Go Desktop App ang pagtatrabaho gamit ang mga PDF document. Hinahayaan ka nitong iproseso ang lahat ng file mo nang mabilis at ligtas sa iyong sariling device. Perpekto ang app na ito para sa mga user na madalas magproseso ng maraming dokumento o sa mga taong naghahanap ng dagdag na seguridad kapag nagtatrabaho sa kumpidensyal na mga dokumento.

Tingnan natin ang mga pangunahing feature na makikita sa bagong PDF2Go Desktop application.

Nagtatrabaho nang Offline?

Napakahalaga sa amin ng iyong privacy. Kapag nag-upload ka ng mga file sa PDF2Go, makakasigurado kang ang mga file mo ay naka-encrypt at ligtas na naipapadala. Ang lahat ng server at koneksyon para sa pag-upload at pag-download ng mga file ay naka-encrypt gamit ang 256-bit SSL encryption. Ginagarantiyahan ang privacy ng file dahil wala nang ibang may access dito kundi ikaw. Hindi kino-back up o aktibong mino-monitor ng PDF2Go ang iyong mga file: awtomatiko ang buong serbisyo.

Kahit na nag-aalok ang PDF2Go ng mga PDF tool sa pamamagitan ng lubos na secure na online platform nito, may mga pagkakataon na mas pipiliin mong huwag i-upload online ang iyong mga dokumento.

Sa PDF2Go Desktop App para sa Windows, lokal na pinoproseso sa iyong device ang mga file mo at hindi na kailangang i-upload ang mga ito sa online server. Maaari mong iproseso ang mga file nang mabilis habang nananatiling offline.

Kung hindi ma-access ang Internet, hindi matatag ang koneksyon, o unsecured lang na public Wi-Fi ang meron ka, napakahalaga ng paggamit ng Desktop app para magpatuloy sa pagtatrabaho sa mga PDF file.

Ano ang Magagawa Ko Gamit ang Desktop App?

Kasama sa PDF2Go Desktop App ang:

  • PDF converter para gawing PDF to Office document (Word, Excel) ang iyong PDF at Word to PDF.
  • Maaari mong gamitin ang PDF to Image converter para gawing high-quality images (JPG, TIFF, PNG) ang iyong mga PDF.
  • Kasama rin dito ang PDF to PDF/A converter at ang opsyon na lagyan ng password ang PDF.
  • Ang PDF2Go Desktop application ay nagsisilbi ring libreng PDF Viewer at hinahayaan kang i-preview at basahin ang iyong mga PDF.

TIP:

Pagkatapos mong i-upload ang dokumento at buksan ito sa PDF Viewer, sa pamamagitan ng pag-click sa All Tools button sa kanang itaas na bahagi, madali mo itong mapo-protektahan gamit ang Protect PDF tool o maico-convert sa Word, Excel, Image, o PDF/A format.

Paano Ko Makukuha ang App?

Libre itong i-download dito. Compatible ito sa lahat ng Windows 7+ system.

Tandaan na ang serbisyong ito ay eksklusibong inaalok sa aming mga Premium user. Kung nais mo itong gamitin nang regular, maaari kang magbukas ng Premium account.

Masigasig na nagtrabaho ang aming team para maibigay sa iyo ang desktop version ng PDF2Go para sa Windows. Nakatuon kami sa paglikha ng secure na software solution na kapaki-pakinabang sa aming mga user. Gayundin sa bago naming dinisenyong Desktop app. Sa nalalapit na panahon, maaari mong asahan ang mas marami pang opsyon para sa offline na pag-convert at pag-edit ng mga PDF document.

I-download ang Desktop App sa iyong Windows PC ngayon at buksan ang mga paborito mong PDF2Go tool direkta mula sa taskbar.